Recent Articles
FALSE BELIEFS ON RACES RESULTS
RECONSTRUCTING THE HISTORY OF PEOPLE GROUP
How Did all Different Races Arise?
OBJECTION 1 on Creation in Genesis
WHAT'S GOD'S PURPOSE FOR YOUR LIFE?
IF I HAD MY LIFE ALL OVER AGAIN
WORKING WITH DIFFICULT PERSONALITIES
PRAYING and PREPARING for a MATE
Prayers for unsaved and Unbelievers
PAANO KUNG PINOY SI NOAH?
Pinoy si Noah
Ganito ang mangyayari sa barko.
Read along
Taong 2008 at isang ordinaryong middle class pinoy si Noah.
Nagpakita sa kanya ang Diyos at sinabing ‘Pagkatapos ng isang taon
ay bubuhos ang ulan at babahain ang buong kapuluan ng Pilipinas.
Gusto kong gumawa ka ng isang malaking barko at isakay mo rito ang
pares-pares na mga hayop at mga mag-asawang pilipino sa iba’t
ibang kapuluan.’
Ibinigay kay Noah ang specifics ng barko at taos puso nitong tinanggap
ang responsibilidad na sagipin ang sambayanang Pilipino sa
napipintong pagbaha.
Lumipas ang Taon,
muling nagpakita ang Diyos kay Noah. Walang barkong nagawa si Noah
at galit na galit siyang tinanong ng Diyos, ‘Nasaan ang barko na
ipinagawa ko sa iyo?’ Tumugon si Noah, ‘Patawarin po ninyo ako kung
di po natupad ang utos ninyo! Nagkaroon po ng malaking problema sa
plano po ninyo.’
At inilahad ni Noah ang mga sagabal na nakaharap niya sa pag-gawa ng
barko.
Humingi siya ng Mayor’s permit pero papayag lang daw si Mayor kung
ang gagawa ng barko ay ang construction firm ng kanyang pamangkin.
Tumungo siya sa Congressman pero papayag lang daw si Congressman
kung may matatanggap siyang 30% commission.
Nagtayo ng yunyon ang mga kinuha niyang manggagawa at nag-strike.
Natunugan ng mga left-leaning groups ang kanyang balak at ang mga
ito ay nag-rally dahil daw sa hindi makatarungang pagpili ng mga
taong sasakay sa barko (mga taong naniniwala lang sa Diyos ang
pwedeng sumakay). Nakisali sa rally ang mga bakla at tomboy dahil
bias daw na normal na mag-asawa lang ang pwedeng sumakay.
Ang civil society group ay nakisali na rin sa gulo dahil Napag-
alaman daw nila na ang pondong gagamitin sa paggawa ng barko ay
galing sa donasyon ng mga gambling lords at katas ng weteng.
Sa kaguluhang ito ay napilitang magpatawag ng hearing ang senado ‘in
aid of legislation’ . Sinubukan ni Noah na gamitin ang EO 464 para
makaiwas sa hearing pero dahil hindi sya executive official,
napilitan siyang tumistigo.
Nang malaman ng senado na utos ng Diyos ang pagpapagawa ng barko,
dineklara nila itong unconstitutional dahil hindi raw nito iginalang
ang separation ng church at state.
Nakialam na rin ang NBI at PNP at sinabi nilang meron silang
impormasyon na ang barko raw na ito ay gagamitin ni Erap sa kanyang
pagtakas. Sinabi naman ng ISAFP at DOJ na ito raw ay gagamitin ng
grupong Magdalo sa binabalak nilang coup laban kay Arroyo. Nilapitan
ni Noah si Mike Defensor para makipag-usap kay GMA. Payag daw si GMA
na ituloy ang barko kung ipapaskil daw sa barko ang malaking mukha ni
Arroyo na may slogan ‘Towards a Strong Republic’. ‘Hindi po ako
pumayag kaya hanggang ngayon po ay
may TRO ang pag-gawa ng barko.
Sa palagay ko po kailangan ko pa ng 10 taon para matapos ang inyong
proyekto.’ Ang huling wika ni Noah. Napa-iling ang Diyos at
sinabing, ‘Di ko na kailangang wasakin pa ang bansang ito.
Hayaan ko na lang kayong sumira nito.’
Next posting: The First Man
Previous posting: FALSE BELIEFS ON RACES RESULTS